Mga Alaala ng Nakalipas
Isinulat ni: Daenzel Ryan Ty



Sabi nila ang buhay high school ay ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang tao. Sapagkat dito nakapaloob ang lahat ng mga kasiyahan at mga kalokohang pumapasok sa isip ng mga estudyante.  Ngunit walang "thrill" ang buhay high school kung walang malulungkot na mga alaala.

Naalala ko pa noong unang beses akong tumapak sa eskwelahan ng Rizal High School. Naalala ko pa noon kung paano kami tumatakas sa mga gwardya na naglilibot sa aming paaralan at sa mga kaibigan kong nakasama ko sa kalokohan. Dumating sa puntong pumapasok na lamang ako sa paaralan para maghintay ng ring ng bell sa uwian.  Ang unang dalawang taon ko ay napuno ng mga masasayang alaala.

Ngunit makalipas ang dalawang taon kong pamamalagi sa mataas na paaralan ng Rizal, naging saksi ako sa kung paano ang pinaka-masasayang karanasan ko sa mga unang taon kong pananatili sa Junior High School ay nagkaroon ng mga mapapait na alaalang kailanman ay hindi ko malilimutan.

May mga karanasan o alaala tayo sa buhay na nagdudulot ng kalungkutan at kasawian. Isa 'to sa mga uri ng alaalang kailanman ay hindi natin malilimutan kahit na ano pang pilit natin. Ngunit ang pinakamagandamg gawin ay linangin natin ang mga aral na ating nakuha mula sa mga alaalang iyon. Sa mga pagkakataong maaalala natin ang mga mapapait na alaala ng ating nakaraan ang pinakamahalagang gawin ay ngumiti, magdasal, at magpasalamat sa mga alaalang iyon. Sapagkat iyon ay isa sa mga rason kung bakit ka mas naging matapang ngayon na harapin ang panibagong hamon ng kalungkutang dulot ng mundong ito. Sa kabila ng lahat, hahawak pa din tayo sa mga alaala ng ating masasayang nakaraan na nagiging dahilan upang matabunan ang mga alaala ng takot, pait at lungkot.







Comments