Posts

Image
Mga Alaala ng Nakalipas Isinulat ni: Daenzel Ryan Ty Sabi nila ang buhay high school ay ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang tao. Sapagkat dito nakapaloob ang lahat ng mga kasiyahan at mga kalokohang pumapasok sa isip ng mga estudyante.  Ngunit walang "thrill" ang buhay high school kung walang malulungkot na mga alaala. Naalala ko pa noong unang beses akong tumapak sa eskwelahan ng Rizal High School. Naalala ko pa noon kung paano kami tumatakas sa mga gwardya na naglilibot sa aming paaralan at sa mga kaibigan kong nakasama ko sa kalokohan. Dumating sa puntong pumapasok na lamang ako sa paaralan para maghintay ng ring ng bell sa uwian.  Ang unang dalawang taon ko ay napuno ng mga masasayang alaala. Ngunit makalipas ang dalawang taon kong pamamalagi sa mataas na paaralan ng Rizal, naging saksi ako sa kung paano ang pinaka-masasayang karanasan ko sa mga unang taon kong pananatili sa Junior High School ay nagkaroon ng mga mapapait na alaalang kailanman ay hindi k...